Ngayong batbat ng dungis ang politika ng administrasyong Aquino, mula
PDAF hanggang DAP, gayon din ang nagaganap sa larangan ng kultura at ng
edukasyon.
Una, pinopolitika ang larangan ng sining, partikular sa usaping National
Artist Award para kay Nora Aunor na hindi inaprubahan ng Pangulong
Aquino. Tulad ng sabi ng isang rayter sa Inquirer, "It is a Presidential
Award." Tama naman ang kanyang argumento. Subalit may "National" doon
sa National Artists. Samakatwid, may usapin ng pagkabansa ang gawad na
ito, kaya may titingalaing alagad ng sining ang bansa dahil sa taglay
niyang galing sa sining. At hindi dahil sa adik siya sa droga dati.
Sabi rin ng rayter, bakit ngayon ay napag-uusapan na sa media maski ang
nominasyon na dati naman ay hindi pinapansin ng mga diyaryo, TV, at
radyo? Ang ganitong obserbasyon niya ay malinaw sa kanyang
pinanggagalingang posisyon: elitista. Katulad niya ang Pangulong Aquino
sa makitid na pananaw ng huli sa larangan ng sining at kultura ng bansa.
Bukod pa rito, bakit ang mga grupong pansining ay walang inilalabas na
pahayag ukol dito? Halos tahimik ang mga grupong panteatro at
pampelikula. May mga indibidwal nang personalidad na pumosisyon panig
kay Nora Aunor. Ngunit mas magiging matingkad ang panawagan kung
magkakaisa ang mga nasa industriya ng pelikula at teatro para kay Nora
Aunor.
Ikalawa, pinopolitika ang larangan ng edukasyon, partikular sa usaping
pag-alis ng mga kursong Filipino sa kolehiyo. Malinaw ang tunguhin ng
edukasyon ng ating bansa ngayong panahon: skills oriented. Wala na ang
dati'y holistic, responsible, proud Filipino na mabubuo mula sa mga
mag-aaral na Pilipino. Hindi naman dahil ginagamit na sa komunikasyon sa
bahay at sa komunidad ang Filipino ay sapat na ito. Malinaw sa
Konstitusyon (Art. XIV, Sek. 6 hanggang 9) na dapat malinang ang wikang
pambansa. At ang isang facet para dito ay ang edukasyon. Samakatwid,
dapat ay may Filipino sa kolehiyo. Hindi lang ito bilang midyum ng
pagtuturo kundi bilang disiplina/larangan.
Marami-rami nang kumontra sa balaking ito ng Comission on Higher
Education (CHEd). Nagkakasundo ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo na
dehado sila sa ganitong set-up. Na hindi sila kinonsulta man lang. Nasa
balag ngayon ng alanganin ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo. Sa
kolokyal na wika, iniwan sila sa ere.
Pumoposisyon ngayon ang mga guro kontra dito. Malinaw iyan, walang duda.
Pero mabagal o halos wala ang mga pangkat ng mga manunulat, sa
panitikan man o sa peryodismo. Maski ang mga grupong nakabase sa mga
pamantasan, halos tahimik sa usaping ito. Nakalulungkot na kahit
statement of unity o manifesto ay walang nasisilayan mula sa kanila.
Pero dapat ding lampasan nila ang paglalabas lamang ng mga pahayag at
polyeto.
Kung ang mga nasa larangan ng kultura at edukasyon ngayon ay nililigalig, dapat tumbalikin ito at sila naman ang manligalig.
Mga Pagmumuni-muni mula sa Itaas, Gitna, Ilalim, at Gilid-gilid na Aspekto ng mga Bagay/ Thoughts from the Above, Middle, Under, and Marginalized side of Things
Monday, July 7, 2014
Wednesday, June 4, 2014
Tagpo sa MRT
Sumakay siya ng tren sa MRT-Kamuning station kaninang alas-nuwebe ng umaga. Dahil punuan naman lagi ang tren, siniksik niya ang sarili sa hanay ng mga nakasakay na sa loob ng bagon. Nakapuwesto siya sa may baras na patayo malapit sa pintuan nito. Nag-signal na sa pagsara ang pinto. Sumara ito. Umandar na muli ang tren.
Kahit siksikan, madali siyang mapansin sa gitna ng mga katawang kasabay niya sa tren. Matingkad na dilaw na blouse ang suot niya, hanggang itaas ng tuhod ang laylayan. Hindi naman mababa ang neckline, pero kita ang cleavage niya. Nasa kasibulan siya ng kanyang edad.
"Paparating na sa Cubao station. Mangyaring kumapit lang po sa mga safety hand rails at mag-ingat sa mga mandurukot..." paalala ng naka-record na boses ng isang babae.
Pagbukas ng pinto ng bagon sa Cubao station, limang pasahero ang nakipagsiksikan para lang makababa. Pero tatlong ulit nito ang nagpupumilit at matagumpay na nakasakay sa tren. Nakababa rin ang limang pasahero. Nasiksik pa siyang lalo. Sumara na muli ang pinto.
Isang lalaki na nakakahel na polo ang nasa likod niya. Nasa kuwarenta mahigit ang hitsura ng lalaki. Nasa gitnang bahagi ng tren ang lalaki at sa halip na sa itaas na baras, sa kinakapitan niyang baras din kumapit ang lalaki. Kaliwang kamay ng lalaki ang nakakapit sa baras na nasa harapan niya.
Hindi muna niya pinansin ang pantsatsansing ng lalaki. Malapit na sa Santolan station ang tren nang maramdaman niya ang pagsinghot ng lalaki sa kanyang buhok. Hindi kaya ng aircon na palamigin ang tren. Walang iniwan sa lata ng sardinas ang siksikan sa tren. Namamalas niya ang ilang butil ng pawis sa braso ng lalaki.
"Paparating na sa Shaw Blvd. station..."
Naghanda nang bumaba ang marami-raming pasahero. Naiipit siya sa paglabas ng mga tao. Hindi pa rin tinatanggal ng lalaki ang kanyang kamay sa baras hanggang sa dalawa sa mga nakaupong pasahero ang tumayo para makababa sa tren. Umupo siya agad. Tatabi dapat sa kanya ang lalaki pero naunahan ng isang babaeng pasahero na matagal na ring nakatayo kanina.
Tumapat sa kanya ang lalaki. Nakatungo ang ulo ng lalaki. Alam na niya kung bakit. Tumingala siya. Tiningnan ang lalaki.
Nagulat ang lalaki sa narinig sa kanya.
"May problema, pare?!" Ang tunay niyang boses. Boses-lalaki. #

Wednesday, April 30, 2014
Kalatas kay Edita
“With Malacanang’s tough branding of human rights
violations as leftist propaganda, are the authorities now saying that I will
never see my son again?”
-
Edita Burgos, ina ni Jonas Burgos na ngayo’y desaparecido
Edita,
Sa mga tulad mong lahat ng gabi’y hindi oras
ng pagtulog muli lang masilayan ang pagpasok
ng nawalay na anak o asawa sa pinto ng inyong bahay
ako’y nakikisimpatiya.
Pitong tag-araw na ngayon,
alam
kong hindi ka nagkukulang
sa
pagbibilang,
nang dukutin ng mga anino
ang iyong anak na si Jonas*.
Hanggang ngayo’y di pa siya niluluwa
ng doblekarang balyena
o kaya’y ilitaw ng mga maligno.
Tulad mo,
mabigat ang aking mga hakbang
noon na tinutunton kung saan maaaring
naroroon ang aking kabiyak.
Hangad niya lamang noo’y
mabuo ang mga basag na tiwala,
tipunin ang mga pira-pirasong paninindigan
upang lahat ng naghihimagsik
ay sama-sama muling tuntunĂn ang daan
tungong kalayaan.
Ngunit ibinintang sa kanya
ang pagiging upahan ng mga Frayle
para isubo sa hurno ng Himagsikan
itong
ating Inangbayan.
At inutos daw niyang kitlin ang buhay ni Heneral
Miong
at nais niyang maging Hari ng Bayang Katagalugan…
A, lugod ng aking buhay!
Ngiti ng aking lungkot!
Lagi ko siyang panaginip, Edita:
Ang paglipat-lipat namin ng matutuluyan,
Ang pagtatago namin sa mga gubat,
Ang pag-aaruga ko sa kanya sa kulungan,
Ang salitaan naming walang humpay
na
lahat ng ito’y pagsubok lamang.
Kaytamis ng kanyang bilin, “Magtiis ka, sinta.”
Nang pawalan ako ng mga dumakip sa amin sa Limbon,
nakasalubong ko ang mga kumuha
sa kanya at sa kapatid niyang si Procopio.
Iniwan daw silang dalawa sa Bundok Tala.
Ngunit bakit
dala ninyo ang kanilang mga damit?
Ibinilin daw na ipagkaloob sa akin ang mga baro,
ang gamot, at ang kumot.
Ay! Edita, ang aking pinakamamahal na Lakan!
Dagli ako’t humahangos papunta sa kanya.
Tumatangis ako’t halos itaob ang Bundok Tala
at maging ang kalapit na Bundok Buntis,
makita lamang ang kanyang bangkay.
Hindi ko alintana
ang mahigit isang buwang
pagparoo’t parito
at halos walang makain
sa buong maghapon at magdamag
muli lamang siyang mayakap.
Edita, takot silang mga kaaway ng Supremo
na maglaho ang kinang
ng kanilang baston at mga karwahe.
Kaysakit isipin na makalipas
ang ilanpung taon mula noon,
mas kumikinang na ang kanilang mga mata
sa kalansing ng mga barya’t
salamangka ng mga lagda.
Kaya hindi ko masisisi na ang iyong si Jonas
ay tinuring na mapanganib
dahil sinasaling niya ang sugat
na malaon nang nagnanaknak
sa puso’t isip ng mga kapuspalad.
Edita, nawa’y magtagpo kayong muli
ni Jonas,
sa lalong madali.
Muli mo siyang mayakap at mahagkan.
At sa sandaling iyon,
maturol nawa ng susunod na salinlahi
na walang lihim
na
di mabubunyag
kailanman
sa alaala ng ating kasaysayan.
Sumasaiyo,
Lakambini
Wednesday, March 5, 2014
A Filipino child, Iya Virtudez, needs your help
Please watch: <https://www.youtube.com/watch?v=axRvdx_PT7k?>
The above youtube video is not a hoax.
The child in the video is Iya Virtudez, 7 years old. She is residing at 3081-E Gumamela Ext. Bgy. Heneral T. de Leon, Valenzuela City, Philippines. She needs our help.
She is suffering from third degree burns since June 2013. While playing outside of their house, an electric transformer exploded. She was near it and the fire caught her. Sadly, as far as I know, the Manila Electric Co. has yet to offer their help to the child.
Further details are in the video. Also, Tata Nanding Josef's facebook post has updates about Iya's condition.
To you who is reading this, Iya needs our help.
Please watch and share it to your friends. And convince them to offer their help to Iya.
Wednesday, February 26, 2014
The EDSA Myth
Last Monday, February 24, I had an unusual conversation with my colleagues in one of the schools I am teaching in. It is about the historic event which in our history books call the EDSA Revolution or EDSA People Power. It happened on February 22 to 25, 1986 wherein Filipinos marched into the EDSA and demanded the end of a brutal dictatorship headed by then President Ferdinand Marcos.
Somewhere between the exchange, I said that it is a myth. A colleague retorted, "Bakit mo nasabing myth?"
"Hindi naman nangyari 'yung pagbabago, e. They (the ruling class) just used the people. Hanggang ngayon, ganyan pa rin. Si Enrile, feeling savior. Sabi niya noon, gawa-gawa yung ambush sa kanya."
"Totoo 'yung ambush sa kanya," the same colleague said.
"Totoong gawa-gawa, kaya nga siya hindi napuruhan, e." I added that a video footage exists in which he stated in 1986 his mock ambush days before the declaration of Martial Law just to justify the latter.
"Nangyari talaga iyon," my colleague insisted.
I never answered back. We have classes to conduct around this time.
As far as our history is concerned, the EDSA historic event that I know really happened. But it failed. The ones who failed are those who believe they created the EDSA Revolution.
They are all dreaming awake. That is why it is a myth.
No matter what the yellow president has said recently about bringing EDSA "to the people", he must be very afraid of not holding the commemorative celebration in the same national highway. By the way, this year is its 28th anniversary.
I would like to clarify that the people, the nameless ones who marched on the streets, never failed. They are still continuing in the struggle for a genuine spirit of dissent and "civil disobedience".

Wednesday, January 22, 2014
Always remember the Mendiola Massacre of 1987
![]() | |
| A scene from the infamous 1987 Mendiola Massacre. Photo courtesy of http://31.media.tumblr.com/dca9bf36ecf7258b653094e059d17e53/tumblr_mh28qjduxZ1qdch30o1_1280.jpg |
Always remember
the Mendiola Massacre
of 1987.
The worn out slippers
and the numerous calloused feet,
searching for each other.
Intercepted, interrupted
by the wrath of guns,
chasing the farmers away
from the one who seats in power.
Always remember
the Mendiola Massacre
of 1987.
Thirteen bodies, lying on the street.
Thousands howled in pain and anger.
When the farmers asked for land,
the answer is firing guns.
Always remember
the Mendiola Massacre
of 1987.
Thursday, January 2, 2014
Agunyas
Nagkukumot ng itim ang langit
sa sandaling itong
nagmamadali ang mga paang
makasakay sa makikipot
na entrada ng mga bumabaybay
na dyip
at UV Express
dito sa kanto ng Aurora Blvd
at Edsa.
Yabag ng mga paa’y tila nais takasan
ang lungsod na ito –
na para bang nagiging puno’t dulo
ng kanilang mga suliranin.
Ngunit bukas, bago pa man
ang pagputok ng liwanag,
babalik silang muli
upang hagilapin
sa mga opisina, pabrika,
eskwelahan, bilyaran,
mall, palengke,
at mga kanto’t kalyehon
ang halimuyak ng metano,
monoksido’t
karbon
ng mapagpalang lungsod na ito.
1/2/2014
sa sandaling itong
nagmamadali ang mga paang
makasakay sa makikipot
na entrada ng mga bumabaybay
na dyip
at UV Express
dito sa kanto ng Aurora Blvd
at Edsa.
Yabag ng mga paa’y tila nais takasan
ang lungsod na ito –
na para bang nagiging puno’t dulo
ng kanilang mga suliranin.
Ngunit bukas, bago pa man
ang pagputok ng liwanag,
babalik silang muli
upang hagilapin
sa mga opisina, pabrika,
eskwelahan, bilyaran,
mall, palengke,
at mga kanto’t kalyehon
ang halimuyak ng metano,
monoksido’t
karbon
ng mapagpalang lungsod na ito.
1/2/2014
Tuesday, December 31, 2013
Tungkol kay William Henry Scott at sarili kong paniniwala
Gusto ko itong si William Henry Scott dahil sa may mga nilansag siyang mito tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pero itong sipi mula sa artikulo niyang "The myth of the cultural minorities" ang nagpatibay sa aking paniniwala sa kanyang mga pahayag:
Down with imperialism! :-)
Pero itong sipi mula sa artikulo niyang "The myth of the cultural minorities" ang nagpatibay sa aking paniniwala sa kanyang mga pahayag:
"When the Americans usurped the Spanish colony and discovered this dichotomy, they were a little embarrassed about words like conquered and unconquered because of the rhetoric of their democratic Constitution. They preferred to think that imperialist imbalances were created not by aggression but by natural scientific order. They therefore quickly produced an explanation for Filipino variations which was not very different from that old creation myth about dark races having been left in the oven too long, and others having been taken out at just the right time.Samakatwid, produkto ng imperyalismo ang teoryang ito. Kaya dapat nang huwag ilagay sa mga aklat pampaaralan ang tungkol sa teoryang ito. (May nakita pa akong mga aklat na nagpapakalat ng Wave Migration Theory nitong Hunyo 2013.)
"The American creation myth was called the Wave Migration Theory.
"According to this Theory, the Philippine archipelago was peopled by a series of waves of migrants, each of which was superior to the one that preceded it. First came the pygmies--short, black, and primitive--in other words, as unlike Governor Taft as possible. Then came a wave of slightly taller, lighter, and more advanced people who drove the earlier ones into the hills by their natural superiority. And so on, wave after wave, until the last best migration of all--those whose descendants were so advanced they could appreciate the advantages of submitting to American rule."
Down with imperialism! :-)
Saturday, December 28, 2013
Isang repleksyon para sa taong 2013 at ilang bagay para sa susunod na taon
Ang taong ito ang isa sa mabungang taon para sa akin.
Una, marami akong natanggap na biyaya/blessings. Pisikal (maraming pera kumpara dati. :-D ) at intelektwal (maraming panahon para makapagbasa ng mga librong dating nakastack lang).
Ikalawa, maraming nakilalang bagong kaibigan. :-)
At ikatlo, nairaos ang pag-iisang dibdib namin ng aking asawa sa Simbahan. :-)
Sa susunod na taon, mga nais kong mangyari:
1. maipasa ang non-Tagalog/Other Filipino Languages Proficiency Exam;
2. makapaghapag ng thesis proposal at maaprubahan ito ng panel;
3. makasulat pa ng mas maraming akda;
4. matanggap sa isa pang writing workshop; at
5. huwag nang magkasakit, lalo na ay maospital, si Likha.
Sana mangyari ang mga ito. :-)

Wednesday, December 25, 2013
It's been a long, long, long time... (with apologies to George Harrison)
It's been a long, long, long time since I've opened, read, wrote, and posted my entries here on my blog. Numerous tasks have overtaken my "free time". Hope I could post my new writings in the future. :-)
Anyway, I just want to say to my readers:
Anyway, I just want to say to my readers:
(image from: http://saintchristophers.net/Customer-Content/stchristophers/CMS/images/Merry-Christmas-prev.jpg)
Thursday, August 29, 2013
Is this true? Well, pinatulan ko naman
http://slackhalla.org/~demise/test/socialattitude.php
RESULTS:
Political Values
Radicalism 77.5
Socialism 100
Tenderness 68.75
These scores indicate that you are a tender-minded moderate progressive; this is the political profile one might associate with an animal rights activist. It appears that you are moderate towards religion, and have a balanced attitude towards humanity in general.
Your attitudes towards economics appear communist, and combined with your social attitudes this creates the picture of someone who would generally be described as left-wing.
To round out the picture you appear to be, political preference aside, an idealist with many strong opinions.
This concludes our analysis; we hope you found your results accurate, useful, and interesting.
Unlike many other political tests found on the Internet which base themselves on untested (and usually ideologically motivated) ideas, this inventory is adapted from Hans Eysenck's own political inventory which was developed after extensive empirical investigations in the 20th Century.
Monday, August 19, 2013
Lagpasan na natin ang komemorasyon ng Buwan ng Wika
Ito ang panahong masasabi nating "ipinagmamalaki ko ang pagiging Pilipino" at "mahal ko ang aking wika: Filipino" dahil Buwan ng Wika ang Agosto.
Mula sa ating mga bayani bago hanggang sa matapos ang Himagsikan laban sa mga unang naging kolonisador ng ating bansang Pilipinas, wika ang isang mabisang instrumento upang mapagbuklod ang mga mamamayang tinawag nila noong indio.
Wika rin ang ginamit upang ipakintal sa nagsisimula't kumakapal na bilang ng mga manggagawa noong maagang yugto ng kolonyalismong Estados Unidos (US) ang pangangailangang magbuklod para sa sahod na bumubuhay, maalwang kondisyon sa mga pagawaan, at iba pa na magiging bukambibig bilang mga "karapatan".
Hanggang ngayon, masasabing gamit na gamit na ang ating mga wika, bukod pa sa Filipino, bilang mga wika ng pakikipagtalastasan at ugnayan sa loob at labas ng ating bansa partikular sa ating mga kababayan. Bukod dito, hindi na rin mapasusubalian na may merkado na ang wikang Filipino sa mga unibersidad sa labas ng Pilipinas; kaya't di na iilang study programs for Filipino speaking-foreigners ang inilulunsad sa mga nangungunang unibersidad sa ating bansa.
Isa lang ang ibig sabihin nito: matatag na ang wikang Filipino.
May ilang pangkat lamang na makulit na tinitibag ang tindig ng Filipino at winawalang-bahala ang naabot nito. Anila, dapat ding pagyamanin ang iba pang wikang katutubo. Walang suliranin dito at mula rito'y yayaman pang lalo ang wikang Filipino. Subalit, kapag kanilang ihahapag ang katwiran ng kanilang panig, sila'y nagi-Ingles. Kakatwang paraan.
Hindi tayo tutol sa Ingles bilang wika na ginagamit din sa Pilipinas. Subalit pangunahin bilang wikang opisyal ng bansa ang Filipino. Kaya't dapat itong payabungin ng mga Pilipino mismo. Hindi mga Pilipino ang magpapayabong ng Ingles dahil hindi ito ang wikang kinagisnan ng ating dila. Marami sa ating mga pribadong paaralan ang mahigpit pa rin ang kapit sa Ingles bilang pinto natin sa daigdig. Nabubuhay ang mga administrador nito sa malayong nakaraan. Isang pag-aaral ang lumabas kamakailan na isa na lamang ang Ingles na ginagamit sa Internet, ang kasalukuyang pinakaabanteng imbensyon ng panahong ito.
Sa ngayon, ang hamon kaugnay ng wika ay lagpasan na natin ang mariringal na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bukod sa mga estadistika, dapat na nating tingnan ano pa ang magagawa ng wika sa mga susunod na taon upang malutas ang matagal nang kalaban ng bansang ito: Kahirapan. Kung noong panahon ng Himagsikang 1896 ay may silbi ang wika upang putulin ang tanikala ng kolonyalismo, lalo't higit na may silbi ang wika sa panahong ito.
Nahaharap ang bansa sa matitinding bigwas ng kahirapan matapos ang Edsa 1. Ngayong Agosto, ginulantang tayo ng matinding eskandalo ukol sa pork barrel ng Kongreso -- na galing sa mga buwis natin ang pondo. Sa ganang ito, malaki ang magagawa ng wikang Filipino upang masaling muli ang damdaming makabayan natin. "Umaalingasaw ang baho", 'ika nga.
Kaya't huwag lang nating iugnay ang Buwan ng Wika sa mga kultura't tradisyon ng nakaraan, bagkus ituon ang wika sa kasalukuyan patungo sa maaliwalas at masaganang kinabukasan.

Wednesday, July 31, 2013
Mga Bagani
Mabagal man ang
pagsulong, lumalawak ang larangan
Tuwing silay ang
liwanag ng umagang bagong gising;
Sakbat-sakbat ang
pag-asang malaon nang hinihintay.
Hinanda na'ng mga gamit sa malayong paglalakbay
Luto na rin ang agahan sa hapag ng nagpahimpil.
Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan.
Natitisod mga paang hapong-hapo sa batuhan
Magpahinga'y para lamang muling masdan ang bituin;
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.
Aawitin sa isipan mga sakit at tagumpay
Habang himbing mga backpack, bolpen, papel, pati baril.
Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan.
Pagsapit sa sonang muog, di mapigil kasiyahan
mga pusong may giliw sa kan'lang hukbong bagong dating.
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.
Nakaikot ngayon, mga labing uhaw sa salaysay
sa harap ng panginori't kanayunan pang lalakbayin.
Mabagal man ang pagsulong, lumalawak ang larangan;
Sakbat-sakbat ang pag-asang malaon nang hinihintay.
07/31/2013

Subscribe to:
Posts (Atom)