Friday, November 11, 2016

On Heroism Today



Before Jose Rizal was executed by firing squad in 1896, he was already regarded as a hero by his fellow countrymen. And all the more when he was martyred on that fateful day, 30 December. But he did not want this for himself. His request to his family was for a simple grave with an epitaph marking his name, date of birth, and date of death. No anniversaries.

Years after his death, his bones were interred from the Paco Cemetery to the monument erected in his honor at the Luneta. And we commemorate every December 30 his martyrdom.

Question: Did his family seek the State's recognition to bestow a hero's burial for Jose Rizal?

Recently, the Marcos family won a Supreme Court (SC) decision favoring their dead patriarch to be buried - finally - at the Libingan Ng Mga Bayani (LNMB). Due to the information that he was a World War 2 veteran, Former President Ferdinand E. Marcos has basis to be buried there. After 20 years in Malacañang, he was ousted by a popular uprising dubbed Edsa 1 in 1986. Before he died in Hawaii as an exile, it was reported that he wanted to be buried next to his mother in Batac, Ilocos Norte. Then President Fidel Ramos allowed the return of the late president's remains provided that Marcos be buried there. The Marcos family returned to the country but sought the State that their patriarch be buried at the LMNB. And they requested for it since then.

Countless court cases and motions were filed prohibiting the move because of the horrors brought about by Marcos's proclamation of Martial Law in 1972 and even after its official lifting in 1981. The SC justices then affirmed history's judgment that Marcos was ousted and served as dictator thereby denying State burial.

Upon the assumption of Rodrigo Duterte as president, a State burial for Marcos began to ring again since the term of former President Joseph Estrada. Another round of cases and motions were submitted to the SC again. But with the present SC, a 90 degree turn occurred. The dictator Marcos will now be buried with State honors. And his family, of course, rejoiced. They are now saying that the country can move on.

The Marcos family sought the State's recognition to regard their patriarch as a hero. But did they seek the Filipino people's affirmation?

Now, let Rizal's bones be removed from his monument in Luneta. He was regarded as "a traitor to Mother Spain," right? Therefore, it is not correct to call him a hero.

But a tyrant Marcos can now be called as such. Thanks to the State.

Thanks, but no thanks.

Monday, November 7, 2016

"Matatag sa Ulan" ni Kenji Miyazawa



Matatag sa Ulan
ni Kenji Miyazawa

Matatag sa ulan
Matatag sa ihip ng hangin
Matatag sa init ng tag-araw at lamig ng niyebe
Malusog siya’t malakas
Malaya sa pagnanasa
Di siya nagagalit
Di rin naglalaho ang kaniyang ngiti
Kumakain siya ng apat na tasa ng genmai*
Miso at ilang gulay kada araw
Inuuna niya ang iba
Kaysa kaniyang sarili
Ang kanyang talino
Ay mula sa pagmamasid at karanasan
Na palaging nasa kaniyang isip
Nananahan siya sa munting kubo
Sa lilim ng anino ng mga punong pino
Kung may batang maysakit sa silangan
Pumaparoon siya upang mag-alaga
Kung may pagal na ina sa kanluran
Pumaparoon siya at binubuhat ang kaniyang mga binigkis na palay
Kung may naghihingalo sa timog
Pumaparoon siya at nagwiwika, “Huwag matakot”
Kung may gulo at hablahan sa hilaga
Ginigiit niyang itigil ang kanilang kalokohan
Nananangis siya sa tagtuyot
Hindi siya mapalagay tuwing malamig ang tag-init
Kumag  ang turing sa kaniya ng lahat
Walang umaawit sa kaniya ng mga papuri
O dinidibdib siya

Gayong uri ng tao
Ang aking nais maging.

*genmai – pinawà, bigas na hindi pinaputi

Monday, October 24, 2016

"Pag-ibig sa Unang Sulyap" ni Wislawa Szymborska


Pag-ibig sa Unang Sulyap
ni Wislawa Szymborska

Kapwa sila naniniwalang
isang biglaang buhos ng damdamin ang nagbibigkis sa kanila.
Kayganda ng katiyakan,
ngunit higit na maganda ang pag-aalinlangan.

Sapagkat hindi nila kilala ang isa’t isa noon, akala nila’y
walang nagaganap sa kanilang dalawa.
Ano na ang mga lansangan, hagdanan, at mga pasilyong
kanilang pinagsalubungan noon-noon pa?

Nais ko silang tanungin
kung kanilang maalala— marahil sa isang puerta giratoria
nagtagpo sila’t nagkatinginan?
isang “excuse me po” sa gitna ng mga tao
o isang sagot na “mali po kayo nang nai-dial” sa telepono.
Subalit alam ko ang kanilang tugon:
hindi, hindi nila maalala.

Higit silang mamamanghang
mabatid na noon pa’y
pinaglalaruan na sila ng pagkakataon.

Kahit na hindi pa handang
pagtagpuin sila ng tadhana,
lumapit ito sa kanila, pagdaka’y umatras,
humarang sa kanilang daanan
at, habang iniipit ang kanyang hagikgik,
sadyang tumabi.

May mga tanda, senyal:
ngunit ano kung hindi naman ito mawari.
Marahil tatlong taon na’ng lumipas,
o noong Martes
may isang polyetong
dumapo’t nagpanagpo sa kanilang mga balikat?
May kung ano’t nawala’t nasumpungan.
Sino’ng nakaaalam ngunit iyon ay isang bolang
nasa likod ng palumpong ng kamusmusan.

May mga seradura’t kampanilyang
kanina’y
nagdampian at muling nagdadampian.
Mga magkakatabing bag sa silid-maleta.
Marahil magkakatulad sila ng mga panaginip minsan isang gabi
na agad-agad nabubura pagkagising.

Bawat simula
ay pagpapatuloy lamang,
at ang aklat ng mga pangyayari
ay hindi lubusang nakabuklat.

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante

From: http://www.mission.net/poland/warsaw/literature/poems/lovesigh.htm 

Thursday, June 30, 2016

Pasya



Pasya

Ang batang gamugamo
ay sumuway sa ina.
S’ya’y nakihalubilo
sa lawag ng lampara.

Nasunog kanyang pakpak
pati katawa’y natupok.
Bilin ng Donya: “Anak,
‘wag sumuway sa utos.”

Ngunit si Pepe, titig
na titig sa insektong
natusta. Siya’y naakit
na maging gamugamo.


19 Hunyo 2016
Lungsod Quezon


revised:
24 Hunyo 2016
Lungsod Pasig

Grasya


Grasya 

Bago lumapat ang lapis 
Sa lawas ng papel na sulit, 
Ay! Parang hulog ng langit
Ang himig na humagupit
Sa kisame – ang mabait
Na butiking nakadikit.


24 Hunyo 2016
Lungsod Pasig

Thursday, June 23, 2016

Kaisampalad ni Lilia Quindoza-Santiago

Kaisampalad
ni Lilia Quindoza-Santiago

Minsan, kapag binabanghay natin
Ang mga pandiwa ng pag-ibig,
Di ko maiwasan ang kahit paano'y manalig
Sa tinatawag na kapalaran.

Ikaw ay akin, ako ay iyo;
Pinagtagpo tayo ng tadhana.
Di maiiwasan, tayo nga talaga
Ang laan sa isa't isa.

Kahapon, halimbawa,
Nang kalagin ng iyong tula
Ang aking pangungulila,
Halos di ako makapaniwala.

Kaya ngayon, habang binibigkis ko
Ang timyas at pait ng pagmamahal,
Habang sinisikap punan ang mga pagkukulang,
Gayon nga talaga, sabi ko, gayon nga talaga.

Pagkat bukas, inaasam-asam ko
Kapit-bisig pa rin nating babagtasin
Ang lawak at lalim, ang liwanag at dilim.
Tatanda tayong magkaisampalad pa rin.

Subalit malimit din
Kapag binabaklas ko na
Ang mga walang saysay na pang-uring
Ikinatnig sa paggiliw,

Nadarama kong ako'y ako lamang,
Ikaw ay ikaw. Minsan nagsasanga ang ating landasin.
May kanya-kanyang langit tayong nais na marating,
May kanya-kanyang sariling nais na hubugin.

Kaisampalad ka sa hirap at ginhawa,
Kabalikat kita sa tamis at dusa.
Sakali mang landas natin ay magsanga,
May pag-asa kayang tayo'y magtagpo pa?

Sakali lamang, mahal, sakali lang namang
Tayo ay matulad sa maraming nag-iba,
Sana'y pisilin mo lamang ang aking palad
At tatapikin naman kita sa balikat.

Thursday, June 2, 2016

Ang Pagkatay

Ay gawaing mani lamang sa matadero.
May sistema siyang sinusunod.
Maswerte ang mga baboy sa kanya.
Ganito: hahatakin niya ang baboy
mula sa kulungan. Susunod naman
ang kawawang hayop. Sa isang iglap,
hinataw ng matadero ang ulo ng baboy.
Nabuwal saka nanigas ang katawan.
Isusuot sa ulo ng baboy ang isang timba
saka gigilitan ang leeg para masahod
ang dugo ng pinaslang na hayop.
Magpupumiglas ang mga paa nito
hanggang sa hindi na gumalaw.
Ibababad sa kumukulong tubig
saka kakayasin ang balat ng baboy.
Isasabit, bibiyakin ang tiyan, aalisin
ang lamang-loob, pupugutan ng ulo.
(Kung lilitsunin, aba,
maswerteng baboy iyan.)
Laging magpasalamat sa matadero
'pagkat lagi niyang tinutupad
ang tadhana ng mga baboy na makatay.


2 Hunyo 2016




Friday, February 5, 2016

Tatlong Haiku

1. Ang Pag-ibig ay Earphones

Tibok ng awit:
Dal'wang daloy ng himig
Sa 'king ulinig.

2. Ang Pag-ibig ay Aklat

T'wing bubuklatin
may haplos sa paningin
'yong sasabihin.

3. Ang Pag-ibig ay Suklay

Kahit na bungi,
hagod sa hiblang puti
dati nang gawi.


5 Pebrero 2016

Wednesday, January 6, 2016

Oda sa aking Electronic Typewriter

Oda sa aking Electronic Typewriter

Alam mong minsan na lang tayo magkita.
Hindi na kasi regular ang pag-uwi ko sa bahay,
lalo na ang pagtulog ko sa sariling kuwarto.
Kaya nakukumutan ka na ng makapal
na alikabok, tulad ng sa sahig at iba pang
mga kapwa mo personal kong gamit.
Kapag nagkita tayo, alam mong nakita kita.
Pero hindi kita pinapansin tulad nang dati.
Ilang gabi ng mga semestre ko sa kolehiyo
ang naging pagpupuyat natin?
Ako: umiinom ng kape, ngumunguya ng mani.
Ikaw: sinusubuan ko ng mga papel na short bond,
iluluwa ito na may bahid ng aking mga salita.
Marami-rami rin iyon. Nakaipit sa mga folder
na nasa mesa ko, katabi mo. Bihira ko nang buklatin
ang mga iyon, pero kapag ginawa ko, nakalimbag
sa gunita ang mahabang oras na binuno natin
para lamang sa isang pahinang sulatin.
Bumabalik lahat ang naganap -- ang pag-ikot
ng iyong daisy wheel, ang pagdiin nito sa papel
na nakaikot sa platen, ang iyong takatak,
ang panlalabo ng ribbon at ng display, ang brownout...
Kaya ngayong pinupunasan ko ang iyong katawan,
tinitipa-tipa ko ang mga letra mong noon
ay nagsimulang bumuo sa aking ngayon.


6 Enero 2016

Tuesday, January 5, 2016

Resolutions? What's that?!

I'm one of those people who doesn't follow to the letter the list of New Year's Resolutions I made for myself. But I believe in positive changes, no doubt about that.

It's just I get easily frustrated if a plan for a certain period of a year didn't happen. For example, I have been enrolled in a graduate school since 2008. I have already finished the required academic units since four years after I decided to pursue my master's degree. I am ready to write my thesis proposal then an unexpected event happened.

I became a father. It came earlier than I planned.

But I have no regrets. Having my own family is one of the treasures of my life. Yeah, things have to be prioritized aside from my own well being. And these priorities are considered for the welfare of my family. I am blessed to have a loving and charming wife and a lovable daughter.

It's just this graduate work that I need to finish within the year. The thesis proposal, the proposal defense, the thesis writing proper, and the thesis final defense. Can I do it within a semester?

It's part of my resolutions for this 2016. What if I couldn't make it? Oh no, fear strikes again.

That fear leads to nowhere. Strike out that fear!

But, I have to sleep now. It's 12:05 AM. Have to wake up at 5:00 AM.

Good night!