Saturday, July 5, 2025

"O mga Salbaheng Bata ng Gaza" ni Khaled Juma

 


O mga salbaheng bata ng Gaza
ni Khaled Juma

O mga salbaheng bata ng Gaza.
Kayong panay-panay mang-inis sa akin,
nagsisigawan pa kayo sa ibaba ng bintana ko.
Kayong tuwing umaga’y
nagtatakbuhan at nanggugulo.
Kayong binasag ang plorera ko
at tinakbo pa ang tanging bulaklak sa balkonahe.
Bumalik kayo,
at magsigawan hanggang gusto ninyo
at basagin ang lahat ng pasรด.
Nakawin ang mga bulaklak.
Bumalik kayo.
Bumalik lamang kayo...

2014

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
5 Hulyo 2025


Thursday, June 26, 2025

"๐€๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐ข๐ง" ni ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘›๐‘–๐‘Ž ๐ด๐‘๐‘๐‘Ž๐‘ ๐‘–*



๐€๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐ข๐ง
๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘›๐‘–๐‘Ž ๐ด๐‘๐‘๐‘Ž๐‘ ๐‘–*

nanangis ako para sa atin,
sa iyo
at sa akin.

hinipan mo
ang mga bituin, ang aking mga luha.

sa iyong daigdig
ang laya ng liwanag.
sa akin,
ang habulan ng mga anino.

ikaw at ako ay darating sa dulo,
saanman.
ang pinakamarikit na tula
ay tahimik na papanaw.

magsisimula ka,
saanman,
upang itangis
ang bulong ng buhay.

ngunit ako'y magwawakas,
ako'y mauupos.
ako ang magiging pinaslang na bituin na iyon
sa iyong langit,
tulad ng usok.

* ๐‘†๐‘– ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Š๐’‚ ๐‘จ๐’ƒ๐’ƒ๐’‚๐’”๐’Š (2002-2025) ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐ผ๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘–๐‘Ž๐‘›. ๐‘ƒ๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘ ๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘ ๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ก ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘š๐‘–๐‘™๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘–๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘–๐‘Ÿ๐‘ ๐‘ก๐‘Ÿ๐‘–๐‘˜๐‘’ ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘๐‘ข๐‘ค๐‘’๐‘Ÿ๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐ผ๐‘ ๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘’๐‘™ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘ก๐‘ก๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘˜โ„Ž๐‘Ž๐‘›, ๐‘‡๐‘’โ„Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›.

Salin sa Ingles ni Ghazal Mosadeq
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante (20 Hunyo 2025)

Mga larawan mulang CODEPINK:  Women For Peace

My Views on Children's Literature

Below is a screenshot of Ma'am Lalaine's facebook post this afternoon. I could not share it due to some settings. I asked for permission and she allowed me to share it in my feed.

Ma'am Lalaine was my professor in Comparative Literature 172 (Children's Literature), an elective I took during my third year as an undergraduate. Back then, I was adamant to the idea of a children's literature, especially here in the Philippines. All I knew was folktales and myths equal children's literature. Period. I'm into the "serious" type of literature then, more of on how to represent and emancipate the masses.

But with Ma'am Lalaine's lectures, class discussions, and class readings, I began to think that children's literature is beyond folktales and myths. It also has classic and contemporary works! Harry Potter was the craze then. (Age reveal, haha!) And serious themes can be tackled, with or without the fantastique usually read in children's literature. ๐‘‡โ„Ž๐‘’ ๐ฟ๐‘–๐‘ก๐‘ก๐‘™๐‘’ ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘–๐‘›๐‘๐‘’ is etched forever in my heart since that semester. Also, seeing in class the film adaptation of ๐‘‡โ„Ž๐‘’ ๐‘Š๐‘–๐‘ง๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘‘ ๐‘œ๐‘“ ๐‘‚๐‘ง directed by Victor Fleming enamored in me the beauty of print-to-screen adaptations. Reading Rene Villanueva's "Nemo, Ang Batang Papel" sealed my love for the course.

When I graduated from college and started to work, I saved some of my salary to buy children's books. Most of them from Booksale which sells second hand books. I devoured titles for children because I was deprived of these due to the dire economic condition of our family. I thought then that I will write also for children, especially Filipino children. I only wrote two or three pieces -- but that was it. (That's another story.)

I still love to read children's literature up to this day.


Friday, October 25, 2024

Mga Diona Alay kay Supremo 8 (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA)

Mga Diona Alay kay Supremo 8 (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA)

*Naisalba mulang Facebook Notes. Isang feature ng Facebook na itinigil noong Oktubre 2020


Pinanaligang Dibdib

Pinanaligang dibdib

Tibok ng baya'y dinig:

Paglaya'ng aming dalit!

10/25/2013

 

Ikaw Na Nga Ang Lunas

Ikaw na nga ang lunas,

Ang gamot na huhugas

Sa tatlong siglong sugat.

10/27/2013

 

Tanggapin ang Pag-ibig

Tanggapin ang pag-ibig

ko, bayang sakdal linis,

at magsusukli'y langit.

10/28/2013

 

At Ang Kapamanhikan

At ang kapamanhikan,

kasuotang dalisay

para kay Inangbayan.

10/29/2013

 

Jocelynang Baliwag 2013

 

Perenyal ang gunita;

Pinagbuklod ang bansa

Tatalima sa sumpa.

 

10/30/2013


Thursday, October 24, 2024

Pagmuni-muni sa "The Burmese Harp" (1956)

Mga screenshot galing sa pelikulang The Burmese Harp

Naispatan ko nitong Martes sa Instagram ng Janus Films ang trailer ng The Burmese Harp (1956) na dinirek ni Kon Ichikawa at film script ni Natto Wada batay sa nobela ni Michio Takeyama na may gayunding pamagat. Sinasabi nito na restored in 4K ang kopya nila ng pelikula. Di ako pamilyar sa pelikulang ito kaya hinanap ko sa internet kung saan pwedeng mapanood. Nakahanap naman ako ng isang streaming site at napanood ko kagabi.

May isang pelikula ni Ichikawa na napanood ko na mahigit sampung taon ang nakararaan, ang Fires on the Plain (1959). Sa klase ito ni Dr. Joel David na Film 240 (Cinema and Nation). Dito sa Fires, nalalapit na ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nauubos na ang supplies ng mga sundalong Hapon sa Leyte. Nauwi na sila sa desperasyon at sa cannibalism para mabuhay samantalang  patungo sila sa Palompon, Leyte para makarating ng Cebu at dito sila itatakas pabalik ng bansang Hapon. Kalunos-lunos na mga tagpo ng giyera ang ipinakita rito ni Ichikawa sa Fires – unti-unting pagpanaw ng pagkatao at pakikipagkapwa.

Na malayo sa kanyang The Burmese Harp. Naka-set ang salaysayin ng pelikula sa panahong sumuko na ang bansang Hapon. Isang company ng mga sundalong Hapon sa Burma ang umaawit bilang morale booster sa udyok ng kanilang pinuno na si Captain Inoue. Sinasaliwan ni Pvt. 1st class Mizushima ang kanilang awit gamit ang kanyang alpang Burmese. Nagtungo sila sa isang baryo at magiliw silang tinanggap at pinakain ng mga tagaroon. Nang biglang magsiuwian ang mga tagabaryo sa kanilang mga bahay, saka lamang nabatid ng mga sundalong Hapon na nakompromiso ang kanilang kaligtasan. Habang naghahanda sila sa pagsalakay ng kanilang kalaban, umaawit sila upang lansihin ang mga British at Indian. Nang nakaposisyon na ang mga Hapon, umawit din ang mga British at Indian. Saka nabatid ng mga Hapon na tapos na ang giyera.

Bago magtungo sa prison camp sa Mudon na nasa timog-silangan ng Burma ang mga sumukong sundalong Hapon, inatasan ni Capt. Inoue si Mizushima na himuking sumuko ang mga nakikipaglaban pang sundalong Hapon sa Triangle Mountain. Dagli siyang sumunod at nagtungo roon kasama ang isang Burmese na giya at sundalong British. Kinausap niya ang mga nakikipaglaban pa ring sundalo sa bundok ngunit matigas silang tumangging sumuko. Anila, mabuti pang mamatay na lumalaban. Pagsapit ng takdang oras, binomba ng mga sundalong British ang kuta ng mga Hapon sa bundok. Nadamay si Mizushima sa pambobomba subalit nakaligtas siya at inalagaan ng isang mongheng napadaan sa lugar.

Sampung araw na ang lumipas at nasa Mudon na ang company ni Capt. Inoue. Di pa nakakabalik si Mizushima. Mahirap mang tanggapin, inisip nilang patay na siya. Ngunit sa isang pagkakataong pabalik na sa prison camp ang kanilang company matapos ang kanilang paggawa sa isang tulay samantalang binabantayan sila ng isang sundalong Indian, napansin nila ang kasalubong na monghe na kamukha ni Misuzhima.

Nang iligtas si Mizishuma ng isang monghe mula sa tiyak na kamatayan, nagpanggap siyang monghe upang makasunod sa company ni Capt. Inoue. Samantalang naglalakad patungo sa Mudon, nakita niya sa dalisdis ng mga bundok at baybayin ang naaagnas na mga bangkay ng mga kapwa sundalong Hapon. Naaawa siya sa sinapit ng mga ito ngunit kailangan niyang makabalik sa kanyang company. Nakitulog muna siya sa isang templo malapit sa Mudon. Napapanaginipan niya ang mga bangkay. Nagising siya at tumutugtog sa labas ng kanyang kuwarto ang isang batang lalaki ng kanyang alpa. Hiniram niya ang alpa at tinugtog ito. Namangha ang bata sa galing ni Mizushima at hinimok nitong turuan siya. Sa ganitong tagpo siya nagpasya na hindi na bumalik sa kanyang company.

Sa huling gabi ng mga sundalong Hapon sa prison camp, nasa labas nito si Mizushima kasama ang batang lalaking may alpa. Umawit ang kanyang mga kapwa sundalo. Tumugtog si Mizushima ng alpa. Hinimok nilang umuwi siya kasama nila. Patuloy lang sa pagtugtog ng alpa si Mizushima saka siya umalis. Kinabukasan, sakay na ng barko pa-Japan ang mga sundalong naging bihag. Binasa ni Capt. Inoue ang liham ni Mizushima na nagsasabing pinili niyang maging monghe at maging misyon ang ilibing nang maringal ang kapwa mga sundalong Hapon na nakita bago makarating sa Mudon. At saka lang siya uuwi kapag natapos na niya ang misyong ito.

Isa sa mga katangian ng mga pelikulang Hapon gaya nitong The Burmese Harp ni Ichikawa na nagustuhan ko ay ang pagiging tahimik at matimpi sa paraan ng pagsasalaysay. Ganito rin ang kanyang Fires on the Plain. Tinatalakay ng mga ito ang kontra-giyerang tema gamit ang dictum na “itanghal, hindi idaldal”. Ipinadarama ng The Burmese Harp ang lupit ng naging giyera sa bansang Hapon bukod sa naging pagbomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki noong 1944. Na ang mga sundalong Hapon sa labas ng kanilang bansa ay naging mga biktima rin ng kanilang ultra-nasyonalismo.


Sunday, April 28, 2024

mulang "Tula para sa Lupa" ni Mahmoud Darwish

 

Ang makatang Palestino na si Mahmoud Darwish (1941-2008). Larawan mula sa https://www.dailysabah.com/arts/portrait/mahmoud-darwish-poet-of-palestinian-resistance

mulang Tula para sa Lupa
Mahmoud Darwish
 
Ako ang saksi sa masaker
Ako ang biktima ng mapa
Ako ang anak ng malinaw na talumpati
Nakita kong lumipad ang mga bato
Nakita kong naging sandata ang mga patak ng hamog
Nang marahas nilang ikandado ang pinto ng aking puso
Nang itindig nila ang mga barikada
Nang ipatupad nila ang kรกrpiyรณ sa aking loob
Naging eskinita ang aking puso
Naging dampa ang aking mga tadyang
Ngunit namumรบko ang mga karnesyon
Ang mga karnesyon ay namumรบko
 
 
 
 
28 Abril 2024
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
batay sa saling Ingles nina Sarah Maguire kasama si Sabry Hafez mulang Arabe

Thursday, February 29, 2024

Hanggang sa Huli, "Free Palestine!" ang Kanyang Sigaw

Larawan mula sa artikulong "US Air Force's Aaron Bushnell pictured as he dies after setting himself on fire at Israeli Embassy" <https://www.mirror.co.uk/news/us-news/air-forces-aaron-bushnell-pictured-32217370>

Hanggang sa Huli, "Free Palestine!" ang Kanyang Sigaw
ni Louise Vincent B. Amante

A US airman has died after setting himself on fire in front of the Israeli
embassy in Washington DC on Sunday, shouting "free Palestine".

Aaron Bushnell, 25, was taken to hospital after Secret Service officers
extinguished the flames.

- "Aaron Bushnell: US airman dies after setting himself
on fire outside Israeli embassy in Washington",
BBC News <
https://www.bbc.com/news/world-us-canada-68405119> 

Balisa ang kanyang mukha. Walang hinto siyang lumakad patungong embahada ng Israel
sa Washington, D.C.

Isa siyang sundalo ng U.S. Air Force. Pamilyar siya sa utos na “Obey first before you complain.”

Pero ngayong araw na ito ng Linggo, 25 Pebrero, higit pa sa pagrereklamo ang kanyang ginawa. Gamit ang kanyang cellphone, nag-livestream siya, via Twitch.

Aniya, hindi na siya magiging “complicit in genocide” at ngayo'y gagawa ng isang “extreme act of protest.” Pero kung ihahambing sa dinaranas ng mga taga-Palestina, ay “not extreme at all.”

Isinandal niya ang cellphone sa ibaba ng bakod. Lumayo rito at sinuot ang kanyang beret. Inayos ang tindig. Binuhusan ang sarili ng likido na nasa tumbler. Itinapon ito.

“Hi, Sir, can I help you?” tanong sa kanya ng guwardiya ng embahada.

Gamit ang lighter, sinindihan ang sarili. “Free Palestine! Free Palestine!”





29 Pebrero 2024
Lungsod Pasig

Tuesday, September 19, 2023

Hindi pamamaalam ang paglisan

Hindi pamamaalam ang paglisan
Hindi pamamaalam ang paglisan.
Iyan ang aking natatandaan
mula pa nang iwan ako ng aking alaala.
Sumakay ito ng bangka,
sinagupa ang mararahas na alon,
nakarating sa papalubog na araw,
namahinga sa piling ng kaylamig na gabi.
Ako naman, pabiling-biling
sa higaan, nakapagkit ang mga mata
sa kumukurap na kisame.
Isang araw, tinungo ko ang dagat.
Bumabati ang mga unang silahis
ng umaahong araw.
Humahalik sa mga paa
ko ang mabibining alon ng aking anino.
 

09/19/2012

Monday, August 21, 2023

Mga Diona Alay kay Supremo 3 (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA)

Mga Diona Alay kay Supremo 3 (Tulaan sa Facebook 2013 ng LIRA)
*Naisalba mulang Facebook Notes. Isang feature ng Facebook na itinigil noong Oktubre 2020
5. Gulok
sa hurno ipinasok
bakal na galing bundok;
sagisag na pantubos.
 
8/21/2013
 
6. Sunog
 
Nagsimula sa tuldok
na diklap; pagkatapos,
kolonyalismo'y tupok.
 
09/03/2013
 
7. Yapak
 
Paa mo'y nakalapat
Sa lupa; mga yapak
mo'y daanan kong payak.
 
09/08/2013
 
8. Istratehiyang Katipunero
 
Ang pagtaas ng gulok
at pagsigaw ng "Sugod",
pinag-isipang bug-os.
 
09/10/2013

Sunday, February 26, 2023

"Ating mga Martir" ni Alice Walker

Larawan mula sa https://ffrf.org/ftod-cr/item/14196-alice-walker

Ating mga Martir
ni Alice Walker

Kapag ang taumbayan
ay nagwagi
maliit man
o malaki
di ka ba nagtataka
kung nasaan kaya
ang mga martir?
Silang inalay
ang sarili
upang mabuhay
ang isang bagay na walang nakaaalam
bagaman higit na matimbang
kaysa kanilang dugo.
Nais kong isiping
umaaligid sila sa itaas natin
saanmang nagtitipon tayo
upang manangis at magalak;
ngumiti at humalakhak,
katunaya’y umaapir pa nga
sa tuwa.
Natuyo na’ng kanilang dugo
at naging mga talulot ng rosas.
Hindi lamang luha 
ang dumadaloy sa iyong pisngi
kundi ang mga ito.
Hindi nanghihinayang ang mga martir
sa kanilang mga ginampanan 
nang gampanan ang mga ito.
Kahanga-hanga ring
hindi sila sumimangot.
Napakamahiwagang
nananatili silang
sa itaas natin
katabi natin
nasasaatin;
paanong naging mga sinag sila
ng bukang-liwayway
at maipagmamalaki.

Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante
26 Pebrero 2022

Sunday, October 23, 2022

Noong unang panahon

Mahal, aking tinaga
Ang halimaw. Hindi na siya
Makauumang ng sandata.
Sinunod ko ang pasya’t
 
Habilin ng mumbaki:
“Pagdating ng lansa ng gabi,
Huwag isipin ang sarili.
Karuwaga’y iwaksi.”
 
Pagdilat ng liwanag,
Nasa kahon na’ng walang pitlag
Na mutya ng kaaway. Bakas
Nito’y wala nang dahas.
 
Narito, aking mahal
Pangako ko’y di binitiwan.
Mula sa kabilang barangay:
Ang ulo ng kaaway.
 
10/15/2010

Wednesday, June 1, 2022

๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ถ๐—ฟ: ๐—•๐—ผ๐—ฏ ๐——๐˜†๐—น๐—ฎ๐—ป@๐Ÿด๐Ÿญ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ






๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ถ๐—ฟ: ๐—•๐—ผ๐—ฏ ๐——๐˜†๐—น๐—ฎ๐—ป@๐Ÿด๐Ÿญ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ

Mayo 24, Martes. Muli naming idinaos ni Abet Umil ang ikalawang Bob Dylan Philippine Convention ngayong taon via Zoom. Kaiba sa biglaang Zoom meeting noong isang taon, pinili naming magkaroon ng daloy ang naging kombensyon. Nagpulong kami ng dalawang beses via Facebook Messenger call para sa programa at nag-tech check noong gabi ng Mayo 23.

Tumugon agad sa imbitasyon sina Boy Dominguez at Von Datuin na dadalo. Si Von pa nga ang nag-suggest na tawaging “Blood on the Ballots” ang convention, galing sa Dylan album na ๐‘ฉ๐’๐’๐’๐’… ๐’๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ป๐’“๐’‚๐’„๐’Œ๐’”. Umaga naman ng Mayo 23, pinatugtog ko sa Spotify ang naturang album. “Tangled Up in Blue” agad dahil ito ang first track. ๐‘‡โ„Ž๐‘’๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘ค๐‘Ž๐‘  ๐‘š๐‘ข๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘๐‘Ž๐‘“๐‘’́๐‘  ๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘–๐‘”โ„Ž๐‘ก/๐ด๐‘›๐‘‘ ๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฃ๐‘œ๐‘™๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘Ž๐‘–๐‘Ÿ . . . Lightbulb moment! May pamagat na ang convention! 

Sayang at di nakadalo ang ilang inimbita gaya nina Mike Garcia, Fidel Rillo, Angelo Garcia, at Arnel Moje. First time namang dumalo sina Sir Bong Ramilo at Aya Jallorina. Nasa kalagitnaan na nang nakadalo sina Sir Joseph Purugganan at Lito Guarin.

Naka-log in na ako ng 7:30PM para mag-share screen at magpatugtog ng ilang Dylan performances habang naghihintay ang mga inimbitahan sa Dylan convention. Suhestiyon ni Abet na i-record ang Zoom meeting para may documentation na. Naka-set na mula 8 hanggang 11PM ang convention para marami-raming mapag-usapan. Nagkumustahan muna kami at ipinakilala ang mga sarili paano na-introduce sa mga kanta ni Dylan. Kinuwento ko na dahil sa pelikulang ๐‘ฐ’๐’Ž ๐‘ต๐’๐’• ๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’† ni Todd Haynes na niregalo sa akin ng kaibigan kong si Adriano Jacinto Jr. na nasa Canada ngayon kaya ako na-hook kay Dylan.

Maitatanong: Ano ba ang silbi ni Dylan sa mga Pilipino? Siyempre, wala. Pero may madudukal sa kanyang mga kanta na pwedeng magamit bilang inspirasyon sa paglikha ng sining, sa pakikibaka sa buhay.

Bilang panimula, nag-present screen ako ng slide show na ginawa ko via Canva na nagpapakita ng ilang highlights sa buhay at musika ni Dylan. Ang pagiging Woody Guthrie fan niya at paggaya sa kanyang idolo, paglikha ng mga orihinal na awitin gamit ang folk song structures, ang “pagtatraydor” niya sa folk para maging rock star, pagbabad niya sa Americana kasama ang The Band, pagbuo niya ng Rolling Thunder Revue kasabay ng mga sigalot sa politika at lipunang Estados Unidos, born again Christian phase sa huling taon ng dekada 1970 hanggang mga unang taon ng dekada 1980, tagtuyot ng creativity niya sa halos buong dekada 1980, pagbabalik ng kanyang creative juices noong 1989 na nagresulta sa album na ๐‘ถ๐’‰ ๐‘ด๐’†๐’“๐’„๐’š, una niyang Grammy Award noong 1998 dahil sa album na ๐‘ป๐’Š๐’Ž๐’† ๐‘ถ๐’–๐’• ๐’๐’‡ ๐‘ด๐’Š๐’๐’… na lumabas nang nakaraang taon, at ang paggawad sa kanya ng Nobel Prize for Literature noong 2016. 

Para magpatuloy ang diskusyon, pinatugtog ko ang isang performance noong 1965 ni Dylan ng “It’s All Right, Ma (I’m Only Bleeding).” Ang haba ng kanta! Sabi nga ni Sir Bong, nanalo si Dylan sa Nobel hindi dahil sa music pero dahil sa poetic lyrics. May quote pa siya galing kay Dylan na sinipi ni Paul Zollo sa inedit niyang aklat na Songwriters on Songwriting: "The world doesn't need any more songs.... As a matter of fact, if nobody wrote any songs from this day on, the world ain't gonna suffer for it. Nobody cares. There's enough songs for people to listen to, if they want to listen to songs. For every man, woman and child on earth, they could be sent, probably, each of them, a hundred records, and never be repeated. There's enough songs. Unless someone's gonna come along with a pure heart and has something to say. That's a different story." 

Di lang kami napako kay Dylan. Nabanggit din sa usapan sina Joni Mitchell at Joan Baez, Beatles at Pink Floyd, pati ang mga kontemporanyong sina Adele, Taylor Swift, at maging ang Korean group na BTS. Kanya-kanyang persona sa bawat panahon. Pero si Dylan, may iba-ibang persona mula noon hanggang ngayon. Sabi nga niya sa isang press interview noong 1985, “I am Bob Dylan when I want to be Bob Dylan. Most of the time, I am me.” Pinatugtog ko ang isa sa mga kanta ni Dylan sa pinakahuli niyang album na ๐‘น๐’๐’–๐’ˆ๐’‰ ๐’‚๐’๐’… ๐‘น๐’๐’˜๐’…๐’š ๐‘พ๐’‚๐’š๐’” na lumabas noong 2020, ang “False Prophet.” Nabanggit ni Abet ang consistency ni Dylan pagdating sa lyrics mula noon hanggang ngayon lalo na sa mga linyang “I ain’t no false prophet - I’m nobody’s bride/Can’t remember when I was born and I forgot when I died.

Dahil may nakasukbit na silindro at hawak na gitara si Boy D, pinatugtog at pinakanta namin siya. Pinili niyang awitin ang “Girl from the Northern Country.” Isang magandang rendisyon! Ikinuwento niyang minsang para din siyang si Bob Dylan pero sa painting niya nilalabas. Kantyaw ni Biboy Delotavo, isa ring pintor: “Bob Dylan nga. Walang kasing chorus.” Kaya pala binansagan niyang Dadaism ang sarili niyang mga pinta. Madada kasi.

Pero kailangan natin ang mga tungkol sa dinaanan ni Dylan, madada man siya o minsan ay hindi. Sabi nga ni Sir Bong, “We come along with a pure heart with what we have to say. Lalo na sa panahong ito nang may mga nagtatangkang burahin ang kasaysayan.” 

Natapos ang gabi sa maikli at madamdaming rendisyon ni Von ng “Buckets of Rain” ni Dylan.

Thursday, May 5, 2022

SALIN: [OPINYON] Isang bukas na liham ng dalamhati mula sa anak ni Loren Legarda

[OPINYON] Isang bukas na liham ng dalamhati mula sa anak ni Loren Legarda

MAY 4, 2022 1:32 PM PHT
LORENZO LEGARDA LEVISTE
Salin sa Filipino ni Philip Rizalino


“Isang halimbawa ang aking ina kung paano pinanghahawakan ang pasismo: ginawang katanggap-tanggap, ginawang normal, madaling pinapasok sa kamalayan natin.”

 

Sinusulat ko ito ilang linggo na matapos kong malaman ang balita na ang nanay ko, si Loren Legarda, ay tumatakbo sa pangkat na pinamumunuan ng isang Marcos at isang Duterte. Ineendoso niya ang mga pasista. Ilang linggo na akong umiiyak araw-araw, humihiyaw hanggang sa lumura na ako ng dugo. Ang desisyong ginawa niya ay sukat di akalain, walang konsensya, hindi mapapatawad. Noong isang buwan, gumuho ang buong buhay ko. Higit pa ito sa isang bangungot. Hindi pa rin ako makapaniwala at hinding-hindi ko matatanggap.

Ilang linggo akong manhid sa sakit. Ngunit wala akong pagpipilian kundi ipahayag sa publiko na lubos akong naiinis sa aking ina at sa kanyang naging pagpapasya. Nasusuya ako at gusto kong mamatay. Kailangang malaman ng lahat na tuluyan nang nawalan ng anak si Loren Legarda dahil dito. Mamula siya sa kahihiyan. Huwag niyang malilimot ito. ‘Ika nga ng isang matalinong babae: Hindi ko siya kilala.

Kinailangan pang mag-post ni Ariana Grande na ng video ng isang rali para kay Leni kasama ang mga tao na kumakanta ng "Break Free" para maalala ko na may nagaganap na eleksyon. Hindi na ako nakatira sa Pilipinas mula noong ako ay 18; di pa ako nakabalik sa loob ng kalahating dekada, matagal ko nang di nakikita ang aking ina, at hindi ko alam kung sino ang tumatakbo. Nasaksihan ko ang huling anim na taon na kakila-kilabot. Ang pagkalayo ko sa Pilipinas ay isang napakalaking pribilehiyo, at nakondisyon ng napakalaking trawma na lumaki sa isang bansa na tinuturing kong may sakit, nahawahan ng historikal na amnesia at pagtanggi sa masasamang naganap noon kaya humantong ang bansa sa sandaling ito.

Tutol ako sa pagsasanormal ng pasistang pangmamaton ng estado, ng mga kasinungalingan bilang alternatibong katotohanan, ng malungkot na kasaysayan ng bansa na likhang-kwento lamang. Isang halimbawa ang aking ina kung paano pinanghahawakan ang pasismo: ginawang katanggap-tanggap, ginawang normal, madaling pinapasok sa kamalayan natin. Dapat malaman ninyo na wala siyang ideya tungkol sa bigat at samรข ng kanyang ginagawa. “Kasama ako sa tiket nila. Pasista na ako?" tanong niya, sabay na nagmamaang-maangan at nangungutya. Nabigla ako. Nabuhay ang nanay ko noong Batas Militar; naging mamamahayag siya at nagturo sa akin na pahalagahan ang katotohanan at katarungan. Ganito kadiri, di nag-iisip, at padalos-dalos ang mga taong ito. Literal na wala silang ideya kung ano ang kanilang ginagawa, ang mga taon ng karahasan at paghihirap na kanilang pinawawalan. Para sa kanya, eleksyon lang ito, hinog na panahon para sa mahihinang loob, maginhawang oportunismo. Di nila nauunawaan na ang isa pang Marcos sa pagkapangulo ay nangangahulugan ng katapusan ng lahat para sa Pilipinas. Ang hangganan ng kasaysayan, the end of history.

Ipinanganak ako noong 1990, sa anino ng mga dekada ng pananakot, pang-aapi, at katiwalian ni Marcos. Hindi talaga ako makapaniwala sa tagumpay nilang burahin sa alaala natin ang mga krimeng ito. Pakiramdam ko ay ginolpe-de-gulat ako.

Hindi dapat pagtalunan ang litanya ng mga krimen ni Marcos. Totoo ang kanilang mga kalupitan. Ang ipagdiinan pa ito ay halos nakatatawa na. Ang pagtanggi ng isang Pilipino laban sa mga katotohanang ito ay ang pagdeklara sa sarili na kaaway ng katarungan; sa libo-libong buhay at pamilya na winasak ng mga Marcos at mga Duterte; sa milyon-milyong nakikipaglaban ngayon sa mga prente para pigilan sila. Ang aking ina, si Loren Legarda, ay binastos lahat ang mga taong ito.

Ang batang Indian na makata at aktibistang si Aamir Aziz, nakaranas din ng pasistang pananakot, ay sumulat na, "Lahat ay maaalala." Pinili kong alalahanin hindi lamang ang mga krimen ng mga nasa kapangyarihan, kundi pati na rin silang mga kababayan nating nagbigay sa kanila ng kapangyarihan. Kilalanin natin ang mga nakakasalamuha nating bumoto sa kanila, at tandaan ang kanilang mga pangalan. Tandaan nating kampon sila ng kasinungalingan at isang bersyon ng kasaysayan na nag-ugat sa bastos at buktot na pambubudol. Alam na alam nila kung ano ang kanilang ibinoboto - maramihang pagpatay, malawakang pagnanakaw, ang pagpatay sa demokrasya, ang pagtatwa sa katotohanan, ang pagbaluktot ng kasaysayan - at gustong-gusto nila ito. Kapag umagos ang dugo sa mga lansangan, huwag nilang kalilimutang sila ang maysala, pulang-pula ang dugo sa kanilang mga kamay. Paalalahanan sila araw-araw. Ito ang kanilang mga krimen ngayon. Papanagutin sila sa mga krimeng ito, angkinin nila. Ipagtanggol nila.

Sobrang lungkot ko ngayon. Bwisit ang nanay ko sa pag-aaya nito. Ang kanilang mga krimen ay mga krimen niya ngayon. Ipagtanggol niya.– Rappler.com

 

Si Lorenzo Legarda Leviste ay anak ni Loren Legarda.

---------- 

Orihinal sa Ingles: https://www.rappler.com/voices/imho/opinion-open-letter-grief-loren-legarda-son/