𝑃𝑎𝑟𝑛𝑖𝑎 𝐴𝑏𝑏𝑎𝑠𝑖*
nanangis ako para sa atin,
sa iyo
at sa akin.
hinipan mo
ang mga bituin, ang aking mga luha.
sa iyong daigdig
ang laya ng liwanag.
sa akin,
ang habulan ng mga anino.
ikaw at ako ay darating sa dulo,
saanman.
ang pinakamarikit na tula
ay tahimik na papanaw.
magsisimula ka,
saanman,
upang itangis
ang bulong ng buhay.
ngunit ako'y magwawakas,
ako'y mauupos.
ako ang magiging pinaslang na bituin na iyon
sa iyong langit,
tulad ng usok.
* 𝑆𝑖 𝑷𝒂𝒓𝒏𝒊𝒂 𝑨𝒃𝒃𝒂𝒔𝒊 (2002-2025) 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔 𝐼𝑟𝑎𝑛𝑖𝑎𝑛. 𝑃𝑖𝑛𝑎𝑠𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑖𝑟𝑠𝑡𝑟𝑖𝑘𝑒 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑢𝑤𝑒𝑟𝑠𝑎𝑛𝑔 𝐼𝑠𝑟𝑎𝑒𝑙 𝑠𝑎 𝑆𝑎𝑡𝑡𝑎𝑟𝑘ℎ𝑎𝑛, 𝑇𝑒ℎ𝑟𝑎𝑛.
Salin sa Ingles ni Ghazal Mosadeq
Salin sa Filipino ni Louise Vincent B. Amante (20 Hunyo 2025)
Mga larawan mulang CODEPINK: Women For Peace
No comments:
Post a Comment